GUINNESS WORLD RECORD | Longest Neapolitan Fried Pizza, ipinagmalaki ngayon nang nasa 100 pizza makers sa Italy

Italy – Tuwang –tuwa ang nasa 100 pizza makers sa Italy matapos nila makuha ang Guinness world record para sa *“*Longest Neapolitan Fried Pizza*”*.

Sinasabing aabot sa 23.5 feet ang haba ng fried pizza na may 183 pounds ng harina, 110 pounds ng mozarella cheese, 33 pounds ng ricota cheese at 15-pounds ng tomato sauce.

Iba’t-ibang toppings din ang inilagay sa pizza saka nila ito inilubog sa kumukulong mantika.


Bukod sa naging masaya ang mga gumawa nito, mas naging masaya naman ang daan-daang nakanood sa record breaking event dahil sila ang nakakain at nakapag-uwi pa ng ilang slice ng pizza.

Facebook Comments