Muling nakapagtala ng kasaysayan nitong buwan ng Disyembre ang Lungsod ng San Jose del Monte (SJDM), Bulacan nang matamo nito ang panibagong world record.
Iyan ay nang totohanin ni SJDM Rep. Florida “Rida” Robes ang kanyang pangako noong ika-20 ng Disyembre na makamit ang may pinakamaraming kalahok ng living Nativity Scene na may kabuuang 2,101 participants.
Dahil dito kinilala ng mga opisyal ng Guinness World Records ang SJDM sa pagkakaroon ng “The Most Number of Living Figures in a Nativity Scene.”
Binuwag ng SJDM ang rekord na dating nakamit ng United Kingdom, na mayroong 1,254 participants.
Sabi ni Congresswoman Robes, “It’s just one of the ways for SJDM communities to come together and celebrate their collective faith. We offered our win as humble birthday gift to Pope Francis and the rest of the Christian world. This is also our way of reaching out to people of other faiths. Through this, we can show them that we just want to reach out and connect with our fellow Filipinos as we highlight the spirit of giving and selflessness this season.”
Noong ika-17 ng Disyembre Si Pope Francis ay nagdiwang ng kanyang Ika-83 taon. Kilala siya sa pagsusulong ng interfaith unity o pag-uugnayan ng i at-ibang relihiyon-bagay na inaadbokasiya ni Rep. Robes para sa SJDM, at higit sa lahat sa buong bansa.
Kalaunan ay sinabi pa ni Rep. Robe, “We greet our Pope a happy birthday and we wish everyone else a most blessed and prosperous year ahead. We look forward to more milestones to celebrate with our achievements and the friendships we have with our fellow Filipinos and the rest of the world. This record also proves that we can accomplish so much more when we work together.”
Maliban sa “The Most Number of Living Figures in a Nativity Scene” record, pinanghahawakan din ngayon ng SJDM ang Guinness World Record for the “Largest Lantern Parade in the World.” The 2017 parade had 14,173 participants.
End-