GUINNESS WORLD RECORD | Pinakamahabang bisikleta, nasungkit ng Dutch Cycling Organization

Germany – Isang Dutch Cycling Organization sa Germany ang nakapagtala ng record sa Guinness para sa pinakamahabang bisikleta sa buong mundo.

Taong 2016 nang masungkit ng Mijl Van Mares Werkploeg ang titulo matapos na gumawa ng 35.79 meters long na bisekleta!

Ginamitan nila ito ng dalawang bisekleta na pinagdugtong gamit ang napakaraming aluminum trusses.


At para mapaandar, dalawa ang dapat na magmaneho: isa sa unahan at isa sa likod.

Pero dahil sobrang haba ng bisekleta, hindi ito madaling iliko.

Facebook Comments