New York City – Ikinatuwa ngayon ng isang restaurant sa New York ang nakuha nilang record sa Guinness World matapos nilang inilabas ang kakaiba nilang milkshake.
Ang nasabing milkshake ay itinanghal bilang “World’s Most Expensive Milkshake” dahil sa kakaiba nitong ingredients tulad ng jersey milk na mula pa sa Channel islands cows, Tahitian vanilla ice cream, Devonshire luxury clotted cream, Madagascar vanilla beans, 23 karat edible gold, donkey caramel sauce, Venezuelan cocoa, lizard gourmet maraschino cherries at whipped cream.
Bukod sa mga nasabing ingredients, naka-served din ang milkshake sa baso na gawa naman sa 3,000 Swarovski crystals.
Mabibili naman ang nasabing milkshake sa Serendipity 3’s Restaurant kung saan aabot ang presyo nito sa halagang $100.00 o katumabas ng 5,300 pesos sa Pilipinas.