GUINNESS WORLD RECORDS | Batmobile na gawa sa 500,000 piraso ng lego bricks – nakasungkit ng world record

29

America – Tiyaga at pasensya ang puhunan ng American comics fan na si Nathan Sawaya sa pagbuo ng World’s largest display of outsized lego bricks sculptures ng mga superheroes.

Nakasungkit ng Guinness World title si Nathan matapos niyang ibida sa isang exhibit sa London ang labing-isang DC characters na gawa sa halos 2 million lego bricks!

Kabilang dito sina Wonder Woman, Batman, Superman at the flash pero pinakaagaw-atensyon ang lego brick sculpture ng batmobile.

May sukat ito na 4 feet 3 inches tall, 18 feet long at 5 feet 6 inches wide.

Ang batmobile ang pinakapaborito niya sa lahat dahil ito raw ang pinakamatagal niyang nabuo gamit ang 500,000 lego bricks.

Facebook Comments