Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang hilagang kanluran ng Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar, alas-4:25 kaninang madaling araw.
Naitala ang lindol sa lalim na 80 kilometro at tectonic in origin ang pinagmulan.
Naramdaman naman ang pagyanig sa mga sumusunod na lugar;
• Intensity IV – Guiuan, Lawaan, Mercedes, and Salcedo, Eastern Samar; Abuyog, Alangalang, City of Baybay, Dulag, Javier, La Paz, Palo, Santa Fe, Tabontabon, Tanauan, at Tolosa, Leyte; San Francisco, Southern Leyte
• Intensity III – General MacArthur, Eastern Samar; Babatngon, Barugo, Leyte, Pastrana, at Tunga, Leyte; City of Tacloban
• Intensity II – Maydolong, Eastern Samar; Albuera, Leyte; Ormoc City
• Intensity I – City of Cebu
Wala namang inaasahang pinsala pero possible ang aftershocks matapos ang pagyanig.