Guiuan, Eastern Samar, niyanig ng magnitude na 4.2 na lindol

Alas – 2:32 kaninang hapon nang yanigin ng magnitude 4.2 na lindol ang Eastern Samar.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natunton ang sentro ng pagyanig sa layong 23 km. sa Timog Silangang bahagi ng Guiuan, Eastern Samar.

May lalim lamang na 14 kilometers at tectonic ang origin.


Naramdaman ang:
• Intensity IV sa Guiuan at Salcedo, Eastern Samar
• Intensity III sa Tacloban City.

Facebook Comments