Gulay sa Baguio, Bagsak Presyo!

223

Benguet, Philippines – Nalulugi na ang ilang mga magsasaka sa Benguet matapos bumagsak ang presyo ng mga gulay sa Benguet dahil sa sobra sobrang supply ng mga gulay at prutas.

Ayon kay Augusta Balanoy ang General Manager mula sa Benguet Farmers Marketing Cooperative ay nagsimula ang pagdami ng mga supply ng gulay sa unang linggo ng Enero ngayong taon.

Nag-viral naman ang isang post ng isang anak ng magsasaka matapos umano nitong ilabas ang sama ng loob nito kay Agriculture Secretary Manny Pinol. Umabot naman sa mahigit isang libong shares, at mahigit siyam na raang reaksyon ang nasabing post.

Facebook Comments