Gulay sa Benguet, hindi masyadong apektado ng andap

Benguet – Kasabay ng pagbaba ng temperatura ngayong Enero, nagsimula na namang tamaan ng frost o andap ang mga gulay sa ilang bayan sa Benguet.

Sa interview ng RMN Manila kay Atok, Benguet Mayor Peter Alos, nilinaw nito na hindi malaking problema sa mga magsasaka ang nasabing sitwasyon.

Ayon kay Alos, alam na kasi ng mga magsasaka kung paano so-solosyonan ang andap lalo pa at taon-taon na bumababa ang temperatura sa lalawigan.


Sa ngayon ay gumagamit na aniya ang mga magsasaka ng sprinkler para mabasa ang mga dahon ng kanilang mga pananim na gulay kaya hindi ito nasisira dahil sa andap.

Kakaunti rin aniya ang sirang dala ng andap sa kabuuang produksion ng mga magsasaka kaya hindi apektado ang presyo at suplay ng gulay.

Nabatid na tumitigas ang hamog tuwing alas-2:00 hanggang alas-3:00 ng madaling araw kaya naman maagang binubuksan ng mga magsasaka ang irrigation ng mga ito upang mahugasan o matunaw ang frost.

Facebook Comments