GULAYAN SA MGA PAARALAN SA ALAMINOS CITY, IBINIDA

Ibinida ng iba’t ibang pampublikong paaralan sa lungsod ng Alaminos ang kanilang mga luntian, makukulay at masaganang gulayan bilang bahagi ng 2026 Search for Best Implementer of the Gulayan sa Paaralan Program (GPP).

Layunin ng programang ito na higit pang mapaigting at mapalawak ang pagpapaunlad ng mga school garden sa lungsod upang matiyak ang direktang akses ng mga mag-aaral sa masustansyang pagkain. Isa rin itong hakbang upang suportahan ang nutrisyon ng mga mag-aaral at isulong ang kalusugan sa loob ng mga paaralan.

Bukod dito, hangarin ng taunang gawain na mapataas ang kamalayan ng mga mag-aaral at ng buong komunidad sa kahalagahan ng pagtatanim ng gulay at pangangalaga sa kalikasan. Isinusulong din nito ang sama-samang paglaban sa malnutrisyon at sa pagkamit ng mas malusog at mas matatag na kinabukasan para sa lahat ng mga Alaminian.

Inaasahan namang muling iikot ang mga miyembro ng GPP Technical Working Group sa lahat ng kalahok na paaralan sa unang linggo ng Marso para sa ikalawa at pinal na evaluation at monitoring ng mga school garden bilang bahagi ng nasabing patimpalak.

Facebook Comments