Gulayan sa Paaralan Project, Inilunsad ng DA, DepED sa Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Nagsagawa ng Technical Briefing and Orientation sa Gulayan sa Paaralan Project (GPP) ang Department of Agriculture Regional Field Office No. 2 (DA-RFO2) katuwang ang Department of Education Regional Office No. 2 (DepEd RO2) sa Schools Division Office (SDO) Nueva Vizcaya, Quezon Street, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ipinaliwanag ni Research and Development Manager of Allied Botanical Corporation Herlo P. Atole ang tungkol sa Lowland Vegetable Production Package of Technology para sa wastong pangangalaga at pagpapanatili sa land preparation hanggang sa pag-aani.

Kaugnay nito, nakatanggap ang SDO Nueva Vizcaya ng 225 piraso ng blow molding watering sprinkler, 75 piraso ng net garden shade, 750 piraso ng seedling trays, 225 piraso ng grab hoe, 75 units wheelbarrow at 382 packs vegetable seeds (9-in-1), na nagkakahalaga ng higit kumulang P1 milyon na ipapamahagi naman sa 382 public elementary and secondary schools.

Pinangunahan naman ng High Value Crops Development Program (HVCDP) at Schools Division Office (SDO) of Nueva Vizcaya ang naturang aktibidad.

Facebook Comments