Hindi nakikita ng gobyerno na lilikha ng matinding epekto sa bansa ang nagpapatuloy pa ring gulo sa Israel.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Arsenio Balisacan na wala silang nakikitang dahilan para maramdaman ang epekto ng conflict sa bansa lalo na sa ekonomiya.
Wala naman aniyang masyadong exposure ang Pilipinas sa Israel at Palestine kung ang pag-uusapan ay trade and investment.
Ayon kay Balisacan, ibang usapan kapag kumalat ang gulo sa mga bansang mayroong trade and investment deal ang Pilipinas.
Posible aniyang maramdaman na ito ng Pilipinas partikular na sa mga bansang inaangkatan ng langis bansa.
Facebook Comments