Gulo sa Marawi, dahilan na lamang ng Pangulo para sa extension ng martial law

Manila, Philippines – Sa napipintong extension ng martial law, pinangangambahan ng ilang mambabatas na lalo lamang ito magpapalala sa sitwasyon.

Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, ginagawa na lamang rason o dahilan ng Pangulo ang gulo sa Marawi para i-extend ang batas militar.

Giit ni Tinio, umpisa pa lang ay batid na ng lahat na gusto talagang isailalim ng Presidente ang bansa sa martial law at umpisa pa lang dito ang batas militar sa Mindanao.


Naniniwala ang kongresista na hindi kapayapaan ang hatid ng martial law kundi magpapalala lamang ito sa sitwasyon ng mga residente ng Marawi at mga kalapit na lalawigan.

Pinayuhan ng mambabatas ang publiko na bantayan ang gobyerno sakali mang palalawigin pa ang martial law.

Reaksyon ito ng mambabatas kasabay ng pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na i-extend hanggang 2022 ang batas militar.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments