Gulo sa Marawi, kayang tapusin sa loob ng dalawang linggo

Manila, Philippines – Tiniyak ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na matatapos ang problema sa Maute group sa Marawi City sa loob ng dalawang Linggo.

Matapos ang pitong oras na executive session, sinabi ni Esperon sa ambush interview dito sa Kamara na tatlong tulay na lamang sa Marawi ang kailangan bawiin ng militar para tuluyang masukol ang Maute group.

Sa kabilang banda ay hindi naman nito tiyak kung kakayaning maibalik ang normal na pamumuhay ng mga taga-Marawi sa loob ng 60 araw matapos ang implementasyon ng martial law.


Inamin din ni Esperon na siya ang nagrekumenda na isailalim sa martial law ang Mindanao matapos ang nangyaring Davao bombing pero hindi siya pinakinggan ng Pangulo.

Hindi naman niya batid kung sino naman ang nagrekumenda ng martial law ngayon matapos ang mga pag-atake sa Marawi.

Dagdag pa ni Esperon, hindi na mahalaga kung sino ang nagrekumenda ng martial law ang mahalaga ay nagdesisyon ang Pangulo base sa kanyang mga hawak na ebidensya.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments