Gulo sumiklab matapos tambangan ang isang konsehal sa DSA

Tensyonado ngayon ang liblib na bahagi ng Datu Saudi Ampatuan at Datu Salibo matapos magkaengkwentro ang dalawang armadong grupo.

Sa impormasyon mula sa mga otoridad, sumiklab ang gulo matapos mapatay sa pananambang ang isang Municipal Councilor ng Datu Saudi na kinilala sa report na si Sahabudin Hadji Udta na residente ng Dapiawan pasado alas 9 kaninang umaga .

Sinasabing kinabibilangan ng grupo ni Kumander Wahid Tundok at Kumander Haon ang nagkakasagupa ngayon.


Inaalam pa kung may mga casuaties sa magkabilang panig habang inaalam rin ang sitwasyon ng mga sibilyan.
Nakaalerto na rin ngayon ang hanay ng mga otoridad.

GOOGLE PIC

Facebook Comments