Gulong ng heavy equipment hinahagisan ng kahoy na may pako sa Rodriguez, Rizal, ayon sa grupong MAPA

Dismayado ang grupong Montalban Aggregates Association (MAPA) sa ginagawang pagsasabotahe sa kanilang ginagawang paglilinis sa mga putik sa loob at labas ng kanilang mga bahay dulot noong nakaraamg Bagyong Ulysses dahil sa hinahagisan ng kahoy na may pako ang gulong ng kanilang gamit na heavy equipment.

Ayon kay MAPA Rehabilitation Team Head Neil Erno, maliban kasi sa problemang iniwan ng pagbaha, problemado rin ang mga backhoe at truck operator ng MAPA member dahil laging napaplatan ang kanilang gamit na equipment.

Paliwanag ni Erno, mistulang sinasadyang hagisan ng kahoy na may pako ang gulong ng heavy equipment sa hindi nila malamang kadahilanan.


Umapela ang kanilang grupo sa mga operatiba ng Rodriguez Rizal PNP na magtalaga naman ng pulis sa naturang lugar upang bantayan ang mga nanggugulo sa kanilang ginagawang paglilinis sa mga iniwan ng Bagyong Ulysses.

Facebook Comments