Inalerto ng Philippine National Police (PNP) ang private security services ng financial institutions sa bansa kaugnay ng gumagalang “Glue Lady”.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, hindi na bago ang nasabing modus.
Modus ng grupo ang paglalagay ng glue sa command keypads ng ATM para mapigilan ang kliyente na makumpleto ang transakyon.
Sasabihan ang kliyente na pumunta sa bangko at i-report ang insidente pagkatapos nito ay kukunin ang card at magwi-withdraaw matapos mamemorya ang PIN number ng biktima.
Partikular na inalerto ng PNP ang security guards ng mga bangko para bantayan ang mga kahina-hinalang kilos sa mga nagwi-withdraw sa mga ATM.
Kasunod nito, payo ng PNP sa publiko, maging mapagmatiyag o alerto sa kanilang paligid at huwag magtitiwala agad sa hindi kakilala upang maiwasang mabiktima ng mga sindikato.