Target ng gobyerno na mapataas pa ang bilang ng mga gumagamit ng electric vehicle (EV) sa bansa.
Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa opisyal na paglulunsad ng Dongfeng Motors sa Pilipinas, sinabi ng pangulo na isa sa itinataguyod ng kanyang administrasyon ang paggamit ng e-vehicle bilang pagtupad sa commitment ng pamahalaan sa Paris agreement.
Batay aniya sa ilalim ng kasunduan, nangako ang Pilipinas na babawasan ang greenhouse gas emissions ng 75% mula taong 2020 hanggang 2030 sa agriculture, wastes, industry, transport, at energy.
Sa Pilipinas, ang transportation sector ang pangunahing pinagmumulan ng greenhouse gas emissions, ito ang rason kung bakit gusto ng gobyerno na maparami ang electric vehicle sa 10 hanggang 50% sa taong 2040.
Nitong 2020, meron lamang 8,800 electric vehicles sa bansa.