Manila, Philippines – Gumagana na ang Disaster Reponse units ng Philippine National Police.
Ito ay upang tumulong sa mga local Police para paghandaan ang epekto ng nararanasang Tropical depression henry at habagat sa Metro Manila at iba pang lalawigan.
Sinabi ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana na maging sa National Headquarters sa Camp Crame, pinagana na rin ang National Headquarters Disaster Incident Management Task Group (DIMTG).
Ito ay upang mapaganda pa ang plan of action ng PNP kaugnay sa disaster preparedness at Response Management bilang suporta sa mga concerned agencies.
Iniutos na rin ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa kanyang mga tauhan na mahigpit na makipag ugnayan sa NDRRMC at local government unkts para sa posibleng enforcement o force evacuation dahil sa nararanasang lakas ng buhos ng ulan.
Payo pa ni Albayalde sa kanyang mga tauhan na ito ang tamang panahon para maipakita ng mga pulis ang kanilang sinumpaang tungkulin sa pamamagitan ng public safety operations upang makapag ligtas ng buhay.