Gumalaw na fault line kaugnay sa malakas na lindol sa Bukidnon, inaalam pa ng Phivolcs

Hindi pa eksaktong matukoy ng Phivolcs ang fault line na gumalaw na nagdulot ng malakas na lindol kagabi sa bayan ng Kadingilan, Bukidnon.

Ayon kay Phivolcs Science Research Assistant Cris Vidad,iniimbestigahan pa nila ang pinagmulan ng magnitude 5.9 na lindol na naramdaman sa malawak na lugar sa Mindanao dakong alas 9:22 kagabi.

Paliwanag pa ni Vidad na maaaring magkaiba at walang kaugnayan ang lindol na tumama sa Tulunan at Makilala North Cotabato kamakailan.


Inaasahan pa ng Phivolcs na may mga pinsala sa nangyaring pagyanig pero wala pa silang natatanggap na ulat ukol dito habang patuloy pa ang assessment sa lugar.

Pagtiyak pa rin ng Phivolcs na asahan pa ang mga aftershocks sa Bukidnon.

Natunton kagabi ang Epicenter ng lindol sa layong 8 kilometro sa kanlurang bahagi ng Kadilingan.

May lalim na 5 kilometro lamang at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang intensity 6 sa Kadilingan, Kalilangan, Don Carlos, Maramag, Litaokitao, at san fernando Bukidnon, kung saan intensity 5 sa Dumulog, Talakag, at Valencia City,Midsayap,Cotabato, Kidapawan City at Marawi City.

Naramdaman pa ang pagyanig sa Cagayan de oro City hanggang sa malalayong lugar ng Zamboanga City Zambanga del norte at sur, Dipolog City, Gen Santos City, Sarangani at Bislig City.

Facebook Comments