Nakikiusap si Navotas Mayor Toby Tiangco sa mga kabataan na manatili sa loob ng bahay habang pinapatupad ang 24 hour curfew sa lungsod.
Sa ngayon kasi sunod-sunod ang kanilang natatanggap na report na marami pa ring 18 years old pababa ang hindi sumusunod sa ordinansa at patuloy ang paggala sa labas.
Ayon kay Mayor Tiangco, base sa pag-aaral mas malaki ang tiyansa na tamaan ng virus ang kabataan pero huli na lumalabas ang sintomas o hindi nakikitaan ng sintomas kaya’t naikakalat ang sakit hanggang sa loob ng kanilang bahay.
Sa ngayon, tatlo ang nadagdag sa aktibong kaso ng COVID-19 sa Navotas habang siyam naman ang nadagdag sa gumaling at makakasama ang pamilya sa pagsalubong sa bagong taon.
Ayon pa sa alkalde, matagal-tagal na rin ang ginawang sakripisyo ng bawat isa dahil sa COVID-19 kaya mas mainam na ituloy lamang ang mga pag-iingat kaysa naman mabalewala ang lahat at muling tumaas ang kaso ng COVID-19.