GUMUGULONG NA | Mga pulis na kasama sa drug matrix ng Pangulo, isinasailalim na sa imbestigasyon ng PNP

Manila, Philippines – Gumugulong na ngayon ang imbestigasyon sa kaso ng mga pulis na kasama sa drug matrix na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos na ilipat na ang mga ito sa Personnel Holding and Acconting Unit o PHAU ng Philippine National Police sa Camp Crame dahil nasa floating status na ang mga ito.

Ayon kay PNP Chief Police Director Oscar Albayalde, isinasailalim na sa investigation at Pre charge evaluation ang mga ito.


Kapag natapos na aniya ang imbestigasyon at makitaan ng probable cause ang mga akusado ay haharap sila sa summary hearing procedure ng PNP internal affairs service.

At kung makakakuha pa ng mabigat na ebidensya laban sa mga ito maari pa silang matanggal sa serbisyo.

Batay sa drug matrix ng pangulo sangkot sa transaksyon ng iligal na droga ang mga aktibong pulis na sina Police Sr Supt Leonardo Suan, Police Supt Lorenzo Bacia, Police Senior Inspector Lito Pirote, Police Inspector Conrado Caragdag at SPO4 Alejandro Gerardo Liwanag.

Sinabi ni Albayalde tatlo sa mga ito ay dating nakatalaga sa drug enforcement group ng Philippine National Police.

Facebook Comments