GUMUHO | Bilang ng mga narekober na bangkay sa nangyaring landslide sa Naga, Cebu, sumampa na sa 55

Naga City, Cebu – Umakyat na sa 55 ang natagpuang bangkay habang 43 pa ang pinaghahanap sa nangyaring landslide sa Naga City, Cebu batay sa huling tala ng Cebu disaster office.

Kasabay nito, nagpatupad na rin ng pre-emptive evacuation ang lokal na pamahalaan ng Naga City bunsod na rin ng banta ng landslide na dala ng sama ng panahon.

Ayon kay Naga City, Cebu Mayor Vanessa Chong, katuwang nila sa pagbabantay sa mga residenteng nasa evacuation center ang DSWD.


Maliban rito, tumutulong rin aniya ang Apo Land Mining Corporation sa pagbibigay ng food packs sa mga residenteng lumikas.

Nananatili namang suspendido ang klase sa mga paaralang ginagamit bilang evacuation center ng mga lumikas mula sa lugar.

Samantala, nagtamo ng diarrhea ang 11 evacuee sa ilang evacuation center ng Cebu kasunod ng umano ay pagkakontamina ng e. coli virus ng tubig doon.

Facebook Comments