GUMUHO | Isa ang patay, dalawa ang sugatan sa naganap na landslide sa Semirara Mines sa lalawigan ng Antique

Antique – Isa ang patay at dalawa ang nakaligtas sa naganap na landslide sa Panian Open Pit Mine sa Semirara, Antique noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang namatay na si Lpath Equia Felipe, 23 anyos ng Barangay Banago, Caluya, Antique.

Nakarating na rin kay Antique Governor Rhodora Cadiao ang naturang insidente.


Base sa natanggap na ulat ni Governor Cadiao, nagro-roving ang biktimang si Lpath Felipe kasama ang dalawa nitong kasamahan sa Molave Mining Project ng Semirara Mining Corporation ng biglang naganap ang landslide at natabunan sila ng lupa.

Napatay sa insidente si Felipe habang naisugod naman sa ospital ang dalawa niyang kasama.
Tiniyak naman ni Cadiao na kung mayroong kapabayaan na masisilip sa panig ng SMPC, hindi ito kukunsentihin ng lokal na pamahalaan ng Antique.

Facebook Comments