GUMUHONG IRRIGATION CANAL SA ALINAM, NAAYOS NA

CAUAYAN CITY- Maaari nang daanan ang nasirang bahagi ng irrigation canal sa Purok 7 Brgy. Alinam, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team sa ilang kawani ng NIA-MARIIS, pansamantala munang tinabunan ng lupa ang nasabing daan at irrigation canal kung saan natapos ito noong ika-21 ng Agosto.

Paspasan ang kanilang pagsasaayos dahil maraming sakahan ang kailangan ng patubig kung saan tatlong libong hektarya ng lupain ang pinapatubigan ng nasabing irrigation canal.


Dagdag pa rito, sesementohin ang nasirang daan at irrigation canal sa panahon ng tag-araw sa susunod na taon.

Patuloy naman ang isasagawang monitoring ng ahensya sa lugar habang hindi pa ito tuluyang tapos.

Facebook Comments