GUMUHONG TULAY | DFA inaalam pa ang sitwasyon ng mga Pinoy sa Italy

Italy – Nagpadala na ang Philippine consulate sa Milan, Italy ng team para i-monitor ang sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Ito ay makaraang mag-collapsed o bumigay ang bahagi ng tulay sa Northern Italy.

Ayon kay Consul General Irene Susan Natividad nasa 25 na ang naitatalang nasawi dahil sa nasabing insidente.


Hindi pa matukoy sa ngayon kung ano ang dahilan ng pagguho ng tulay.

Sinabi ni Natividad na ang team na tumulak pa Milan ang siyang magmo-monitor sa kalagayan ng 1,600 mga Pinoy sa naturang bansa.

Umaasa naman ang DFA na nasa ligtas at walang Pinoy casualties sa pagguho ng tulay.

Facebook Comments