GUMUHONG TULAY | DFA kinumpirmang walang Pinoy casualties sa Genoa, Italy

Italy – Nakumpirma na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nadamay na Pilipino sa nangyaring pagguho ng Morandi Bridge sa Genoa, Italy.

Ayon sa Philippine Consulate sa Milan wala ni isang Pinoy ang kasama sa 39 na fatalities.

Nabatid na 37 mula 39 ang tukoy na ang pagkakakilanlan at karamihan sa mga ito ay galing sa mga bansang France, Peru, Chile at Colombia.


Ibinalita din ni Consul General Irene Susan Natividad na wala tayong kababayan na nasugatan dahil sa insidente.

Nakabalik na rin aniya sa Milan ang ipinadalang team sa Genoa na nagberipika sa mga ospital doon kung may nadamay na Pinoy sa naturang insidente.

Facebook Comments