GUN BAN | Comelec, nagsimula nang tumanggap ng aplikasyon para sa gun ban exemption

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) na tumanggap ng application para sa gun ban exemption.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, pwede nang maghain ng kanilang certificate of authority ang mga aplikante sa opisina ng Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel sa Comelec main office sa Intramuros, Manila.

Tatagal daw ang application period na ito hanggang sa May 29, 2019.


Magsisimula naman ang gun ban sa Enero 13 hanggang Hunyo 12, 2019.

Sa ilalim ng gun ban, ipagbabawal ang pagdadala ng armas sa election period para sa May 2019 elections.

Facebook Comments