GUN BAN | Dalawang lalaking nakamotorsiklo, huli matapos mahulihan ng baril

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaking nakamotorsiklo matapos mahulihan ng baril sa checkpoint sa Pritil, Tondo, Maynila

Ayon kay Superintendent Jay Dimaandal ng Manila Police District Station 1, kaduda-duda ang kilos ng mga suspek nang mapadaan ang mga ito sa checkpoint na tila gusto pang umiwas

Dito na nga nakita ang isang kalibre 38 revolver na baril na gagamitin nila sana sa isang krimen.


Unang umamin ang mga suspek na manghoholdap sila pero biglang nabago ang plano at sinabing mayroon ipinatutumbang barangay chairman sa kanila.

Sa ngayon inihahanda na ang mga kaukulang dokumento para sa isasampang kaso na may kaugnayan sa omnibus election code.

Facebook Comments