Gun ban exemption para sa mga mamamahayag, hihilingin ng PTFoMS sa Comelec

Hiniling ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na magtalaga ng “media security focal person” sa kada probinsya o siyudad.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga miyembro ng media na magsasagawa ng coverage sa darating na eleksyon.

Nabatid na tumataas ang insidente ng karahasan, pananakot at pagbabanta sa buhay ng mga mamamahayag tuwing panahon ng halalan.


Ayon kay PTFoMS Executive Director Usec. Joel Egco, sumulat na siya kay DILG Sec. Eduardo Año upang iparating ang kanilang request.

Ang media security focal person ay magsisilbing tulay ng mga mamamahayag para maiparating sa Malacañang ang anumang problema o banta sa buhay na kanilang mararanasan habang ginagampanan ang kanilang trabaho sa buong panahon ng eleksyon.

Bukod dito, susubukan ding kumbinsihin ng PTFoMS ang Commission on Elections (Comelec) na mabigyan ng exemption sa gun ban ang mga miyembro ng media.

Facebook Comments