Gun ban, ipatutupad ng PNP sa Davao at NCR kaugnay sa gaganaping inagurasyon ng bagong bise presidente at presidente ng bansa

Sinuspinde ng Philippine National Police (PNP) ang Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) sa Davao City para sa inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte sa June 19; at sa National Capital Region (NCR) para sa sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa June 30.

Ayon kay PNP Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon, ang suspensyon ng PTCFOR sa Davao ay epektibo mula June 16 hanggang June 21.

Habang sa NCR naman ay epektibo ito mula June 27 hanggang July 2.


Paliwanag ni De Leon, inaprubahan ni PNP Officer in Charge Police Lt. General Vicente Danao Jr., ang suspensyon ng PTCFOR ay bilang bahagi ng security preparations para sa dalawang makasaysayang kaganapan.

Aniya pa na maliban sa pagkumpiska ng mga baril at pag-revoke sa PTCFOR ng mga lehitimong gun-owners na mahuhuling lumabag sa suspensyon, sasampahan din ang mga ito ng kriminal na kaso.

Facebook Comments