Sinuspendi ng Philippine National Police (PNP) ang Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) nationwide bilang bahagi nang security measures para sa walong araw na paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).
Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, ang suspension ng PTCFOR ay nagsimula midnight ng September 30 at magtatagal hanggang alas -7:00 ng umaga sa October 9.
Sinabi ni PNP chief, layunin nitong matiyak na magiging payapa ang filing ng COC.
Sa ngayon tanging mga miyembro ng PNP, AFP at iba pang Law Enforcement Agencies na tumutupad ng kanilang official duty ang pinapayagang magdala ng baril.
Inatasan na rin ni PNP chief ang lahat ng police commanders na i -maximize ang paggamit ng kanilang social media accounts at pakikipag-ugnayan sa media at komunidad sa pagpapakalat ng impormasyon kaugnay sa gun ban para alam ito ng mga licensed gun owners.