GUN BAN | Maagang pagpapatupad ng nationwide gun ban, posibleng irekomenda ng COMELEC

Manila, Philippines – Posibleng ipatupad ng maaga ng Commission on Elections (COMELEC) ang nationwide gun ban.

Ito ay sa gitna na rin ng serye ng pagpatay sa mga local government official.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, ang maagang pagpapatupad ng gun ban ay maiiwasan ang madugong midterm elections.


Pero batid din ni Jimenez na marami ang kokontra rito.

Maaring bumuo ng draft ang poll body at irekomenda ang early imposition ng gun ban kung kinakailangan.

Facebook Comments