Gun ban, magsisimula na sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Kasabay ng filling ng Certificate of Candidacy, paiiralin na rin sa Setyembre 23, 2017 ang gun ban na tatagal hanggang sa Oktubre 30, 2017.

Sa inilabas na COMELEC resolution no. 10197, bawal ang pagdadala ng baril at iba pang deadly weapons at pagkuha ng security personnel o bodyguards mula sa PNP, AFP at iba pang law enforcement agencies ng gobyerno o kahit sa pribadong security service provider, maliban na lamang kung pahihintulutan ng COMELEC.

Bawal din ang pagbibiyahe ng mga baril o mga bahagi (parts) nito, mga bala at iba pang components, pampasabog at components nito.


Hinimok naman ni COMELEC Spokesperson James Jimenez ang nais mag-aplay sa exemption o authority sa pagdadala o pagbibiyahe ng baril ay maari nang magtungo sa COMELEC Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel (CBSFP) sa Setyembre 21, 2017.

Facebook Comments