Mahigit limang daang loose firearms ang nalikop ng Arm Forces of the Philippines (AFP) galing sa probinsya ng Lanao del Norte at Iligan City.
Ito ay matapos i-presenta kahapon ang naturang mga loose fire arms sa harap mismo ng mga alkalde ng labing walong munisipyo ng Lanao del Norte at Iligan City.
Ayon kay 2nd Mechanized Brigade Commander Colonel Robert Dauz na isang magandang hakbang ang kooperasyong ipinakita ng Local Government Unit (LGU) sa kanilang kampanya para makamit ang kapayapaan.
Malaki ang pasalamat na ipinaabot ni Colonel Dauz sa mga alkalde dahil sa sunod-sunod nilang mga natanggap na na-turned over na mga loose fire arms.
Sinabi ni Dauz na ipinatupad nila ang nasabing hakbang isip tugon sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.