GUN BAN | Pagsisimula ng aplikasyon sa gun ban, pinaghahandaan na

60

Manila, Philippines – Nagpupulong ang ilang opisyal ng Comelec kabilang ang kanilang law department at ang Philippine National Police (PNP).

Sa harap ito ng pagsisimula bukas, December 1 ng panahon ng aplikasyon para sa election gun ban.

Ito ay para mabigyan ng exemption ang sinumang nagnanais makapagdala ng armas sa panahon ng gun ban na epektibo sa January 13 hanggang June 12, 2019.

Dadaan din sa mahigpit na pag-aaral ng Comelec ang mga aplikasyon kung aaprubahan o hindi.

Facebook Comments