Gun ban sa mga lugar na pagdarausan ng inagurasyon nina President-elect Marcos at Vice President-elect Duterte-Carpio, ipinatupad ng PNP

Magpapatupad ng gun ban ang Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila at Davao Region ng ilang araw.

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan at kapayapaan sa mga inauguration sites nina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President-elect Sara Duterte Carpio.

Ayon kay PNP Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon, ipapatupad ang gun ban mula June 27 hanggang July 2 para sa inagurasyon ni Marcos sa National Museum of Fine Arts sa lungsod ng Maynila.


Habang epektibo naman mula ngayong araw June 16 hanggang June 21 ang gun ban para sa inagurasyon ni Duterte-Carpio sa San Pedro Square sa Davao City.

Dagdag pa ni De Leon, nasa 6,200 pulis ang ipapakalat sa Marcos inauguration habang 3,700 naman para sa inagurasyon ni Inday Sara.

Facebook Comments