Pinalawig ng tatlong araw ang gun ban sa National Capital Region kaugnay ng State of Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.
Magsisimula ang gun ban bukas, July 20 hanggang sa hatinggabi ng July 22.
Bahagi ito ng precautionary measure para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng publiko at ng mga dadalo sa SONA.
Samantala, tanging sa July 22 lamang epektibo nationwide gun ban.
Nasa 22,000 pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) para sa SONA.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, posible pa itong madagdagan depende sa magiging sitwasyon sa Lunes.
Ngayong araw naman isasagawa ang send-off sa mga pulis na magbabantay ng seguridad sa bisinidad ng Batasang Pambansa sa Quezon City.
Facebook Comments