Gun ban violators, umabot na sa halos 3000 ayon sa PNP

Gun ban violators, umabot na sa halos 3000 ayon sa PNP

Patuloy ang pagdami ng bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa pinaiiral na gun ban kaugnay ng halalan 2022 sa bansa.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) kahapon, Mayo 4, umabot na ito sa 2,988 matapos mahuli ang karagdagang 15 na violator kahapon.


Sa nasabing bilang, 2,879 ang sibilyan, 49 ang security guards, 17 ang miyembro ng PNP, 17 ang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 26 ang iba pang violators.

Pinakamarami sa mga nahuli ay sa National Capital Region (NCR) na nasa 1,116; kasunod ang Region 4A na nasa 332; Region 7 na nasa 314; Region 3 na nasa 273; at Region 6 na nasa 183.

Nakumpiska sa mga ito ang 2,275 na firearms; 1,095 na deadly weapons, kabilang ang 113 na pampasabog; at mahigit 12 libong mga bala.

Mula Enero 9 hanggang kasalukuyan, umabot na sa 2,864 ang naisagawang gun-ban operations ng pulisya sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Facebook Comments