GUN-FOR-HIRE | No. 1 most wanted ng Ilocos Sur Police Provincial Office, arestado!

Luzon – Arestado ang No. 1 most wanted person ng Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO) na lider din ng Unciano Group at miyembro ng Omo Group sa Barangay Patong, Magsingal, Ilocos Sur.
Nasakote ang suspek na si Vicente Unciano Tamag matapos itong ituro ng ilang concerned citizen.
Nabatid na may kinakaharap ang suspek na tatlong bilang ng kasong murder.
Napag-alaman na ang Unciano Group ay nasasangkot sa gun-for-hire activities sa Ilocos Sur habang ang Omo Group naman ay nag-o-operate sa La Union.

Facebook Comments