Echague, Isabela – Arestado sa entrapment operation ang isang lalaki na nagbenta ng baril sa pamamagitan ng facebook sa Echague, Isabela.
Kinilala ang nadakip na si Mark Anthony Quiaoit, 24-anyos, residente ng Barangay Silauan Norte.
Nadakip si Quiaoit dahil sa pagbebenta ng caliber 38 baril na walang lisensiya at may anim na bala na nagkakahalaga ng P8,000 kung saan ipinost niya ito sa Facebook.
Isang pulis na umaktong buyer at nang maaresto ang suspek ay iginiit na ang matinding pangangailangan sa pera ang nagtulak sa kanya na magbenta ng baril.
Facebook Comments