Gun-related crimes, patuloy sa pagbaba

 

Bumaba ang naitatalang gun related crime ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, sa nakalipas na dalawang taon ay nakapagtala ang PNP ng pagbaba ng krimen gamit ang baril.

Sa datos ng PNP, 4,956 gun-related incidents ang kanilang naitala noong nakaraang taon na mas mababa sa 5,172 insidente noong 2022.


Sa taong 2024, nasa 808 insidente na ang kanilang naitala kung saan nangunguna ang mga kaso ng pamamaril, alarm and scandal, grave threat at robbery.

Sa loob aniya ng nakaraang dalawang taon, nasa 3,792 kaso na ang naisampa sa korte, 3,774 ang nai-refer sa prosecutor’s office at 1,136 ang under investigation.

Facebook Comments