‘Gun Runner’ sa Isabela, Arestado sa Pag-iingat ng mga Illegal na Baril at Bala!

*Quezon, Isabela- *Arestado na ng mga otoridad ang isang magsasaka na tinaguriang lider ng “Casiw Group” na sangkot sa gun running syndicate at pang-aagaw ng lupa sa ika-limang distrito ng Lalawigan ng Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, huli sa inilatag na Search Warrant Operation ng mga otoridad bandang 7:30 kaninang umaga si Vicente Casiw, 63 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Turod, Quezon, Isabela.

Ito ay sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ni hukom Precious Lovely Olivia A Sales-Jao ng 12th MCTC, SJR, Mallig- Quezon, Isabela dahil sa paglabag sa RA 10591 at RA 9516.


Nakumpiska mula sa loob ng bahay ni Casiw ang isang granada, isang Caliber 22 at isang piraso ng bala ng Shotgun.

Dinala na sa tanggapan ng CIDG Isabela ang suspek maging ang mga nakumpiskang baril at bala para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments