Gun safety training at marksmanship training para sa mga pulis, inutos ni PNP Chief Eleazar na gawing regular

May direktiba na si Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na gawing regular ang pagsasagawa ng gun safety at marksmanship training para sa lahat ng mga police uniformed personnel.

Ito aniya ay bilang bahagi ng patuloy na paghasa ng shooting skills lalo na sa mga tauhan nila sa ground.

Sinabi ni PNP chief na ang pagmamay-ari at pagdadala ng service firearms ng mga pulis araw-araw ay may kaakibat na responsibilidad kaya nararapat lamang na matiyak na ang konsepto ng responsible gun ownership ay nasa puso at isip ng mga pulis.


Bukod dito, dapat ay may sapat na kasanayan sa paggamit ng baril para maiwasan ang mga aksidente.

Ito ay dahil may mga nangyari na sa mga nakalipas, na ilang tauhan ng PNP nasugatan o namatay dahil sa aksidenteng pagputok ng service firearms.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni PNP chief na sapat ang kanilang supply ng mga kagamitan para sa pagsasagawa ng marksmanship training at patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga local and foreign counterparts para sa mga makabagong istratehiya ng pagsasagawa ng law enforcement operations.

Facebook Comments