Pasay City – Sa bisa ng search warrant pinasok ng mga tauhan ng NCRPO at SPD ang isang condominium unit sa Roxas Blvd sa Pasay City.
Sinabi ni NCRPO Director Guillermo Eleazar, myembro ng international syndicates na sangkot sa gun smuggling at iligal na droga ang kanilang target.
Subject ng search warrant na inisyu ng Pasay City Regional Trial Court Branch 111, sinalakay ang unit ni Jinhao Zhang ng unit 1550-B ng isang condominium sa Roxas Blvd Service Road.
Sinabi ni Eleazar, isang Taiwanese ang nahuli sa operasyon ng Manila Police District (MPD) noong nakaraang Biyernes sa isang hotel sa Binondo, kung saan naaresto at nabawi ang 7 plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 40 million at precursor sa paggawa ng ilegal na droga.
Nabawi din sa unit ng Taiwanese national ang tatlong 9mm na baril.