Manila, Philippines – Sa Christmas message ni Pangulong Rodrigo Duterte, hinikayat nito ang sambayang Pilipino na maglaanan ng panahon upang alalahanin ang sakripisyong ginawa ng mga sundalong nakipaglaban sa mga kaaway ng estado.
Ayon sa Pangulo, dapat alalahanin ang mga nagbuwis ng kanilang buhay upang maipagtanggol ang kalayaan ng bansa.
Kasabay ng pagpapaabot ng kanyang pagbati sa mamamayang Pilipino, nagpaalala rin ang pangulo na ipakita ng mga Pilipino ang simpatiya sa mga kababayan na nawalan ng tirahan dahil sa bakbakang nangyari sa Mindanao.
Kaugnay nito, humiling ang Pangulo ng kapayapaan at pag-unlad para sa mga Pilipino.
Facebook Comments