GUNLESS COMMUNITY: 88 high powered firearms isinuko sa Buldon, CG at RG sumaksi!

Walumpot walong mga matataas na kalibre ng baril ang isinuko ng mga residente mula sa ibat ibang bayan ng Iranun Towns.
Kinabibilangan ito ng mga homemade barret, home made grenade launcher, m16, m14, carbine, mga 45 pistol, 9 mm at 38 caliber , 56 dito ay nagmumula sa bayan ng Buldon at ang iba naman ay nagmumula sa Barira , Matanog at Parang.

Isinagawa ang maituturing na makasaysayang aktibidad para sa mga Iranun sa Brgy. Dinganen Buldon, Maguindanao.
Di naman mapigilan ang kagalakan ni Buldon Mayor Abolais Manalao dahil sa pagtugon ng kanyang mga kababayan sa kanilang isinusulong na adbokasiyang Balik Baril Program para sa patuloy na kapayapaan ng bayan.

Sumaksi sa aktibidad si 6th ID Commanding General Major General Arnel Dela Vega , ARMM Gov Mujiv Hataman , PSSupt Agustin Tello ng Maguindanao PPO , 37th IB Commander LTCOL Florencio Pulitod Jr , Barira Mayor Barok Tomawis at Parang Mayor Ibrahim Ibay .
Humanga naman si RG Hataman sa naging inisyatiba ni Mayor Abol kasabay ng pangakong magpapaabot tulong pangkabuhayan para sa mga residenteng nakiisa sa kampanya ng pamahalaan.
Umaasa naman si CG Dela Vega na magtutuloy tuloy pa ang kampanya para na rin sa itinatarget ng gunless community sa buong Iranun at 6th ID.


Facebook Comments