Gunman sa pagpaslang kay Percy Lapid, humingi ng tawad sa naulila nitong pamilya

Humingi ng dispensa sa naulilang pamilya ng radio commentator na si Percy Lapid ang sumukong gunman na si Joel Estorial.

Ayon kay Estorial hindi niya ginustong patayin ang mamamahayag.

Aniya, ang kahirapan ang siyang nagtulak sa kaniya para patayin ang biktima.


Nabanggit din nito kanina na mayroon silang usapan ng mga suspek na kung sino ang matapat kay Lapid ay siya ang papatay rito at nataon noon na siya ang natapat sa biktima kung kaya’t siya ang bumaril kaysa siya ang barilin noong nag-utos na ipatumba si Lapid.

Sa pagharap pa ni Estorial kanina, sinabi nitong binayaran ang kaniyang grupo ng ₱550,000 kung saan 6 silang naghati-hati rito at ₱140,000 umano ang pumasok sa kaniyang bank account.

Nagawa niyang sumuko sa mga pulis dahil sa takot makaraang maisiwalat sa publiko ang kaniyang pagmumukha na mayroong ₱6.5 milyon na patong sa ulo.

Facebook Comments