Gunman sa Resorts World attack, namatay sa tama ng bala ng baril sa ulo batay sa pagsusuri ng PNP crime lab

Manila, Philippines – Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang gunman na si Jessie Carlos na umatake sa Resorts World Manila.

Ito ang kinumpirma ni PNP crime lab Director Chief Supt Aurelio Trampe matapos nilang isagawa ang otopsiya sa bangkay ng attacker.

Pumasok anya ang bala sa pagitan ng leeg at baba ng gunman at lumabas sa bunbunan nito.


Nilinaw naman ni Trampe na walang tama ng bala sa hita si Carlos taliwas sa unang pahayag ng Resorts World na tinamaan ng kanilang security ang gunman sa isang engkwentro kaya bumagal ang kilos nito.

Ayon kay Trampe posibleng dulot lang ng pagod ang paika ikang pag-akayat ni Carlos sa hagdanan na nakunan ng CCTV.

Ang dugo naman na nakita sa mukha nito ay posibleng daplis lang anya ng bala.

Nilinaw din ng crime lab na kwarto at hindi sarili ang sinunog ng gunman bago ito nagbaril sa ulo.
DZXL558

Facebook Comments