Guro, arestado matapos hingian ng ‘sexy’ pictures ang menor de edad na estudyante sa US

791

Arestado ang isang high school teacher sa Virginia, US na nanghingi umano ng “sexy” pictures sa isang estudyante para pagparausan.

Nakipag-ugnayan ang suspek na si Stephen Kirsch, 31, sa dati niyang estudyante sa pamamagitan ng social media, ayon sa Culpeper County Sheriff’s Office noong Mayo 25.


Batay sa pulisya, iminungkahi umano ng guro ang pakikipagalitan ng “sexy” pictures at nagbanggit ng ilang mahahalay na pahayag sa menor de edad na biktima.

Agad naman itong ipinagbigay-alam ng biktima sa pamunuan ng paaralan na nagsumbong naman sa pulisya at magulang ng estudyante.

Dinala sa kostudiya ng pulisya si Kirsch na nakalaya rin matapos magpiyansa ng $5,000 (higit P250,000).

Facebook Comments